Walang puwang ang lungkot
Sa diwang nahihimbing;
Walang pait na papawi
Sa ngiti ng nananaginip;
Pagka't tanging ito lamang
Ang kanlungang maituturing
Sa pagsapit ng dapit-hapon
Ng isang pag-ibig
Kung mata'y ididilat
Mababanaag ang lumbay,
Mananatiling sariwa
Ang luhang walang humpay;
Kung kaya't maigi pang pumikit
At kagyat na humimlay,
Takasang panandali
Ang sakit ng paghihiwalay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment