Friday, October 29, 2010

Misyon

di alintana ang dilim

na unti-unting sumusuko sa liwanag;

lumalamig ang simoy ng hangin--

umaakit na ng paghimbing.

ngunit sa mandirigmang

manhid na sa antok,

ang tanging mahalaga

ay matupad ang misyon...


oras na ang lumilipas

at huling yugto na ng laban;

pintig ng puso 'y kay bilis

at mga kamay ay pawisan,

sabik nang makamit

ang tagumpay na inaasam...


subalit anong saklap

at sa isang iglap,

naunahan ng kalaban

sa kabilang upuan;

ang matagal na pagsisikap

ng magiting na mandirima

winakasan lamang ng dalawang kataga...


GAME OVER!